UBER-PERSONAL ANG ENTRY NA 'TO. KAYA KUNG IISIPAN NYO KO NA ANG SIRA-SIRA KO PARA MAGLAGAY NG ISANG NAPAKAPERSONAL NA ENTRY.. WELL.. I DON'T GIVE A SH*T.. BLOG KO 'TO AND I CAN WRITE WHATEVER I WANT IN IT.
***
I'll write this entry in Tagalog, because it will sound MUCH better.Unfair ang buhay. Alam nating lahat yun. Hindi lahat ng bagay puwedeng mapasaatin. Hindi lahat ng bagay puwedeng mangyari according to our standards. Hindi lahat ng bagay makukuha sa iyak, sa galit o sa lungkot.
Ganon ang buhay e. Minsan masaya, minsan malungkot. Minsan parang gusto mo ng mamatay, minsan parang gusto mong mabuhay ng matagal.
Maraming bagay ang gumugulo sa isip ko ngayon, mga bagay na hindi ko dapat bigyan ng matinding pansin dahil sila'y mababaw na bagay lamang. Ngunit minsan, gusto kong lunurin ang sarili ko sa kanila. Gusto kong gawan ng paraan para mawala sila sa utak ko.
Walang-wala ako ngayon. Nawawala sa road. Kung baga, nasa dead end ako. Wala akong mapuntahan. Walang priorities na sinusunod, tapos ang mga values ko sa buhay parang wala nang saysay.
Ang dami dami ko nang pagkakamaling nagawa. Mga pagkakamali na dapat kong ihingi ng tawad sa Diyos, pero di ko ginagawa. Ang dami dami kong iniisip na mali, pero hindi ako humihingi ng tulong sa Diyos para alisin ang "malisyoso" kong pagiisip.
Sinasarili ko lahat ng problema. Hindi ako humihingi ng tulong. Kahit gusto kong umiyak hindi ko ginagawa dahil ayokong makita ng mga tao na malungkot ako o isipin nila na nagiinarte ko. Alam ko sinabi ko na wala akong pakelam sa mga iniisip sakin ng mga tao, pero sorry, nagpakaplastic lang ako, me pakelam din ako.. ng konti.
Sinabi nga sakin ng isa kong kaibigan, "pag sinasarili mo yang mga problema mo, walang mangyayari sayo.. kelangan mong isabog yan.. kungdi ikaw ang talo sa huli". Ewan ko. Minsan mas gusto ko na lang kimkimin kesa sa magsabi ng problema, mas feel ko yun e.
Sabi nung lalake dun sa movie na "Perfect Opposites":
"Why do girls always need to talk things through? Why can't they just keep the problems to themselves and just die of a heart attack?"
Baligtad ako. Mas gusto ko pa atang mamatay sa sakit sa puso kesa sa ilabas ko ang problema ko sa mundo.
No comments:
Post a Comment